Reppin/Group/Affiliate: Pyramid Collectives
KWENTO MO NGA SA AKIN KAILAN KA NAG SIMULANG MAG RAP?
Nagsimula laang ano noong 9y/o palang ako tunog lang ni Gloc9, Repablikan, Gagong Rapper, Abra, Loonie at iba pang Fliptop artists dito sa pinas. Bumibili pa ako ng mga CD noon staka nagpapadownload ng mga kanta sa computer shops.
Nung humantong ako ng High School doon ang nagsumula magsulat ng mga tula at spoken poetry, kinalaunan ay natutunan ko ring ilapat ito sa mga beat. Tanda ko pa non sobrang curious ako sa 16 bars kaya nag search ako sa YouTube noon at sinubukan ko. Doon nagtry ako magsulat ng kanta ko, ang gamit ko pang app non sa cellphone ay "RapChat".
Hanggang sa naaliw ako at napamahal sa magsusulat nag invest ako para sa mas magandang recording set up. Doon nakilala ko si Daryll na syang tumulong sakin para mas mapagaling at lalim ang mga sulat ko. Nakapaglabas ng iba't ibang kanta at iba't ibang gigs dito sa San Pablo.
Dahil narin kay Ernest nakilala ko si Don Ruben na syang humugot sakin sa underground para mas mapalawak ang tunog ko pagdating sa hiphop. Bibihira nalang ako makapaglabas ng mga kanta dahil narin sa sobrang busy sa school and acads, pero kahit ganon di parin nawawala sa dugo ko ang pagsusulat at pagmamahal sa kultura ng rap/song writing.
Sino-Sino ang Inspirasyon mo bakit ka nag rap?
Nung una talaga katuwaan lang sakin ang pagrarap, nag simula lang ako sa mga parody at cover. Pero ngayong malayo na rin yung mga nasulat at narating ng sulat ko, mas napapahalagahan ko na mga nasa paligid ko. Ang inspirasyon ko sa ngayon pamilya at mga kaibigan kong sumuporta at patuloy na naniniwala sa pagsulat ko. Hindi man sikat kahit kahit kelan hinding hindi malalaos dahil merong naniniwala at nagtitiwala sakin lalong lalo na pagdating sa aking pagsulat.