Reppin/Group/Affiliate: Doer Records Ph, TMP Network
Sino Inspirasyon mo bakit ka nagrap at kailan ka nag simula?
Inspirasyon ko yung mga pangarap na gustong gusto kong maabot, sa sobrang taas kong mangarap kahit minsan naiisip kong imposible na pinagsusumikapan ko pading maabot lahat yon. Nagsimula ako sa banda (As she Whispers) year 2016 bago mapunta sa mundo ng hiphop na nagsimula nung pandemic. Doon lumabas yung thought na siguro para talaga ako dito.
Ano ka sa tingin mo after sampung taon mo sa rap scene?
10years after siguro kaya ko na makipagsabayan. Baka malaki narin tiwala ko non sa sarili ko, baka madami narin ako napatunayan.