STEPH

Reppin/Group/Affiliate: RPBLKN EMPIRE / S&K Records

KWENTO MO NGA SA AKIN KAILAN KA NAG SIMULANG MAG RAP?

Nagsimula po akong magsulat ng kanta nung 11yrs old ako, year 2008 kung di ako nagkakamali, pero wala pa po akong idea noon kung papano magproduce ng kanta, basta lang akong sumusulat to express myself and my feelings that time. Nagsimula po ako bilang taga sulat ng mga lyrics ng mga kaschoolmates ko nung Highschool, masaya na po akong kinakanta ng iba ang sulat ko dahil walang kumukuha sa aking grupo noon at di rin po ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumali. Nagstart akong mag record ng song accedentally, sa studio ni Kawayan year 2012 dito din sa Pasig. Aksedente siya dahil may sinulatan po ako noon na chorus at bridge ng ibang artist at sa kasamaang palad ay di nya maabot yung tono ng sinulat ko kaya ako po yung naatasang kumanta nung bridge na sinulat ko. Habang nagrerecord ako ay dun po ako nakita at nadiskubre ni kuya Kenzo ng griffin music. Kinuha nya po akong chorus noon on the spot. Hanggang sa pinakilala nya po ako kay Kuya Bullet at naging parte na ng Griffin Music na una kong naging Grupo at doon na po Nagsimula ang pagrarap ko as an local artist na talaga.

Sino-Sino ang Inspirasyon mo bakit ka nag rap?

Ang inspiration ko po ngayon sa pagrarap ay Pamilya ko. Anak at ang asawa ko. Lahat ng ginagawa ko sa ay para sa kanila. - Nagrap po ako dahil bukod sa nasa pamilya ako ng mga musikero ay yung pagrarap po ang yumakap sakin. Sa pagsusulat ko ng rap nailalabas ko yung mga di ko kayang sabihin sa totoong buhay. Sa pagrarap ko naeexpress ang sarili ko at ngayon ang pagrarap na rin po ang isa sa bumubuhay sakin at samin ng pamilya ko.

Pinaka Great achievement mo bilang rapper?

Bukod po sa mga Television programs na nadaluhan ko, sa respeto at lumalaking circle na nae- experience ko sa industriya, pinaka great achievement ko po ay yung S&K Records. Ngayon po ay mayroon na kaming Sariling Recording Studio na isa sa pinagkukuhaan namin ng income. At S&K Artists na ginagabayan, tinutulungan, sinasamahan at tinuturing na pamilya.

Masasabi mo sa mga nag sisimulang rapper?

Take it easy. Wag masyadong magmadali, enjoyin nyo lang po yung pagrarap, itong industriya at mga nararating ninyo. Sobrang Laki ng industriyang ito. Walang masarap na bunga ang di pinaghihirapang tanimin. Pwedeng magpahinga pag nakakapagod at pag nakakahapo na. Pero wag na wag titigil at susuko. Gawa lang gawa, sulat lang ng sulat, wag tayong mapagod sumubok at matuto. Importante din sa industriyang ito ay ang pakikisama at pagbibigay ng respeto sa kapwa natin artist at sa mga nakikinig satin. At higit sa lahat hangga't may nakikinig at naniniwala sa inyo kahit isa lang o iilan, sapat na dahilan na yon para magpatuloy.

social media

PAHINGA

FEATURED: NONE

BEAT BY: DONRUBEN BEATS

MIXED AND MASTERED: S&K RECORDS

LYRICS BY: STEPH PATACSIL

PROFILE VISITORS

FEATURED TRACK